Binigyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng direktiba ang mga kaugnay na ahensya na ilikas ang mga maaapektuhang residente sa mas mataas na lugar bilang paghahanda sa storm surge na posibleng idulot ng Bagyong Pepito sa ilang rehiyon.
Sa isang briefing sa NDRRMC, ibinahagi ng national agencies na nakahanda na ang food packs at search and rescue assets malapit sa mga probinsyang naiulat na maaapektuhan ng bagyo. Bukod dito, siniguro rin ng Pangulo na may sapat na food supply ang bansa sa kabila ng pinsala ng mga dumaang bagyo sa ating agriculture sector.
Basahin:
from DSWD Disaster Response Management https://ift.tt/u38pLHo
via IFTTT